Death threats – matagal nang natatanggap ni BuCor General Director Catapang

Inamin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang na matagal na itong nakatatanggap ng death threats kasama si Deputy Director General for Administration Atty. AL Perreras mula nang nag-take over sila sa ahensya.

Ito ay sinabi ni Catapang kasunod sa nangyaring pananambang sa kanyang sasakyan na personal na ipinahiram kay Perreras sa Quezon City.

Sa analysis ng opisyal, kung hindi raw bulletproof ang sasakyan ay ‘baka’ tinuloy ang ambush pero umatras sila at hindi na nagawa ang plano nang malamang bulletproof ito.

Nabatid na si Perreras ang number two man ni Catapang kung saan siya ang umaasikaso sa lahat ng reforms sa BuCor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *