Death toll sa magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon, umakyat na sa sampu

Nadagdagan pa ng apat ang kabuoang bilang ng mga binabawian ng buhay dahil sa magnitude 7 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Northern Luzon kamakalawa.

Sa ulat ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, na-retrieve na ang apat na mga unang napaulat na missing.

Ayon sa mga kapulisan, ang apat na kalalakihan na ito, kabilang na ang dalawang menor de edad ay sakay ng traysikel nang matabunan ng landslide na na-trigger ng lindol sa Barangay Poblacion, Luba, sa Abra.

Dahil dito, sa kabuoan ay umakyat na sa sampu ang kabuoang bilang ng mga fatalities na dulot ng lindol.

Samantala, maliban sa apat na bagong deaths ay kinukumpirma pa rin ng NDRRMC ang isa pang napaulat na fatality sa Ilocos Sur.
#


Aftershocks, patuloy pa ring nararamdaman sa Abra

Tuloy ang apela ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Abra para sa mga kababayan nitong apektado ng lindol kamakalawa.

Ayon kay Abra Vice Governor Jocelyn Bernos, karamihan pa rin aniya sa kaniyang mga nasasakupan ay ayaw pa ring magsibalikan sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa ngayon kasi ay kabi-kabila pa rin ang nararanasang mga aftershocks na naglalaro sa magnitude 3-4.

Pinasalamatan naman nito ang mga nakapag-abot na ng tulong kabilang na ang national government at ang mga international communities at organizations.

Samantala, kinumpirma rin ng DPWH-Cordilllera na mayroong mga bagong naitalang landslides sa Mountain Province simula pa kagabi.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *