Declogging sa ilang creek at irrigation facilities sa Naga City regular na isinasagawa ng CSWMO

NAGA CITYHindi hadlang sa mga personahe ng Solid Waste Management Office ang nangyayaring pag-uulan sa kanilang mga aktibidad tulad ng declogging sa ilang creek, kasama na rin ang irrigation facilities sa Naga City para mawala ang mga basura at iba pang mga water waste.

Ngayong araw ay nagkakaroon ng declogging sa Barangay Pacol pababa sa karatig na lugar para matiyak na hindi magdudulot ng pagbabara ng mga kanal sa naturang mga barangay ngayon halos walang tigil ang pag-uulan, na kung saan may ilang pagbabaha na rin sa ibang bayan sa Camarines Sur.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, Head ng SWMO, sinabi nito na katulong sila ng City Engineers Office na siya namang In-charge sa dredging sa mga malalaking creek lalo na sa Naga River.

Ayon sa kanya, regular ang aktibidad nilang ito, bukod pa sa pag-inspeksyon sa mga binabahang lugar, batay na rin sa pag-request ng mga barangay opisyal.

Nakatakda ring bisitahin nina Martin ang ibang barangay na nasa paligid ng Naga River tulad ng Del Rosario, Concepcion Grande at Concepcion Pequeña.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *