‘Dedma’ – Sen. Marcos hinggil sa hindi natanggap na tulong ng poor individuals

“Dedma”

‘yan lang ang maikling kasagutan ni Senadora Imee Marcos nang tanungin siya sa kanyang reaksyon sa naging paratang ni Ako Bicol Partylist Rep. Raul Angelo Bongalon.

Ayon kase kay Bongalon, nasa mahigit 867,000 na pamilya o 4.3 milyon na poor individuals ang napagkaitan ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa ginawang redirection ni Marcos.

Ngunit sa kabila nito ay nilinaw ni Marcos na hindi siya kontra sa layunin ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) kundi sa tiwalang paggamit lang ng pondo para rito.

Maalala, una ng sinabi ni Marcos na may posibilidad na ginamit ang pondo para sa AKAP sa pagtutulak ng people’s initiative at charter change na pawang kagagawan umano ng mga kongresista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *