Defense cooperation agreement ng PH sa Germany at Czech Republic, balak palawakin

Sa patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo, balak nitong palawakin ang defense cooperation agreement sa mga European countries.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Maria Elena Algabre , magkakatulad ang pananaw ng Pilipinas, Germany, at Czech Republic ukol sa pagsusulong ng demokrasya, karapatang pantao, at paggalang sa batas, kabilang ang isang bukas at inclusive na international based order.

Dahil dito, layunin ng pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga nabanggit na bansa na palawakin ang kasunduan sa kooperasyon sa larangan ng depensa.

Ayon kay Algabre, mayroon nang defense cooperation agreement ang Pilipinas sa Germany noon pang 1974, ngunit nakatuon lamang ito sa pagsasanay ng Sandatahang Lakas.

Habang kasalukuyan pang tinatalakay ang posibilidad ng mas malalim na kooperasyon sa Czech Republic, partikular sa usapin ng depensa.

Kung maaalala ayon kay Algabre, isa ang bansang Germany at Czech Republic sa mga nagpaabot ng statement of support sa Pilipinas sa huling insidente ng pag haharass ng China sa may bahagi ng West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *