Defense Sec. Teodoro, ipinag-utos ang pagbabawal ng paggamit ng AI image generator sa AFP at DND

Sa pamamagitan ng isang memorandum, ipinagbawal ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang paggamit ng rtificial intelligence (AI) image generator apps sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND).

Sa memo na may petsang October 14, pinaliwanag ni Teodoro ang security risks na maaaring idulot ng paggamit nito.

Ipinaliwanag niya na maaaring magamit ang AI image generators sa paggawa ng pekeng profile online na posibleng magresulta sa identity theft, social engineering, phishing attacks, at iba pang malicious activities.

Giit ng kalihim, bilang myembro ng AFP at DND dapat maging maingat sa pagbabahagi ng mga personal na impormasyon at paggamit ng mga aplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *