Dela Rosa – ‘excited’ sakaling tumakbo si ex-Pres Duterte sa pagka-Senador

Aminado si Senador Bato dela Rosa na nais rin niyang manguna sa senatorial survey.

Maalala kasing bagamat pasok pa sa top 12 si dela Rosa – pang 3rd-5th spot lang ang dating PNP chief na may 47% sa latest OCTA Research Tugon ng Masa National Survey para sa mga nais iboto ng mga Pilipino sa 2025 Senatorial Elections.

Aniya, pangarap niyang manguna sa pulso ng bayan, pero amindaong mahirap itong makuha.

Samantala, ‘excited’ naman daw siya sakali mang tumakbo sa pagka-Senador si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Bagamat ‘di pa raw ito napag-uusapan sa partido, may mga naririnig-rinig na raw siya tungkol dito, at susuportahan niya raw ang kandidatura nito.

Sa kabila niyan, na kay Duterte pa rin daw ang final say kung pakiramdam niya’y mayroon pa itong naiwang dapat gawin para sa bayan.

Kung matatandaan – sa naturang survey ng OCTA, nanguna si Cong. Erwin Tulfo, na sinundan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, at dating senate president Tito Sotto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *