Dela Rosa, kumpiyansang wala nang pag-asang maaresto siya ng INTERPOL

Hindi na natatakot si Philippine National Police (PNP) Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa sa posibleng pag-iisue ng warrant of arrest sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos ang naging ‘bold statement’ ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi niya kailanman kikilalanin ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, bilang dating miyembro ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) ay matitiyak niyang walang regular unit o sariling kapulisan ang mga ito.

Ibig sabihin, kahit maglabas umano ng warrant of arrest ang ICC ay kinakailangang i-tap ng INTERPOL ang PNP.

Kaugnay nito, ayon sa senador, maituturing na shutdown na ang anumang ispekulayon at sugar coating tungkol sa isyu na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *