Delivery ng vax mula India, posibleng ma-antala re: COVID-19 surge

Inaasahan na ng Pilipinas na made-delay ang delivery ng coronavirus vaccines mula India ngayong nahaharap ang Asian country sa matinding pagsipa ng COVID-19 cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nire-reassess ng vaccine cluster ang pamamahagi ng bakuna para sa posibleng delays sa delivery nito.

Aniya, dahil sa nangyayari sa India, inihinto muna nito ang commitment nila sa ibang bansa.

Pero, flexible naman umano ang plano ng gobyerno para makapag-adjust sakali mang ma-delay ang suplay ng vaccines.

Mababatid na una nang sinabi ng Philippine envoy to India na nasa walong milyong doses ng Covaxin mula Bharat Biotech ang ide-deliver sa bansa sa katapusan ng Mayo.

Umaasa rin ang bansa na makakatanggap ng 30 milyong doses ng Novavax doses ngayong taon. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.