Delivery rider, patay matapos ma-hit and run ng truck ng bumbero sa Maynila

Patay ang isang babaeng delivery rider matapos ma-hit and run ng isang truck ng bumbero sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Kathlyn dela Cruz, 34 anyos.

Batay sa kuha ng CCTV, huminto ang isang pampasaherong jeep kaya nag-overtake ang babae at doon siya aksidenteng natamaan ng kasunod niyang fire truck.

Sa lakas ng impact, nawalan siya ng control at sumalpok sa pampasaherong jeep.

Bukod dito, dinaganan pa siya ng truck na sanhi ng pagkamatay ng babaeng rider.

Sa imbestigasyon, nakapatay ang siren ng truck dahil wala naman silang nirerespundihang sunog.

Ayon sa MPD, nagkaroon ng kasunduan ang pamilya ng biktima at driver ng truck kaya hindi ito magsasampa ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *