Delta variant huling balakid ng bansa bago malampasan ang pandemic – OCTA

Naniniwala ang OCTA research group na ang COVID-19 delta variant ang huling balakid ng bansa sa tinatahak nitong daan para lagpasan ang pandemic.

Ayon kay Octa research fellow Dr. Guido David bagama’t nalabanan ng Pilipinas ang ilang pagkakataon na nagkaroon ng surge, mas challenging umano ang banta ng delta variant.

Dagda pa ni David isang malaking tagumpay para sa bansa kapag nagawa ng gobyerno na malabanan ang pagkalat ng Delta variant dahil maraming bansa ang nahirapan para ma-contain ang naturang virus.

Ito umano ang predominant variant ngayon sa buong mundo at wala pang bago at mas delikadong variant ng virus kesa dito.

Malaking bagay ayon kay David na mas maraming inbidwal pa ang maturukan ng COVID-19 upang malabanan ang pagkalat ng sakit.

Inihalimbawa nito ang kaso sa Metro Manila na bagama’t may naitalang pagtaas ng kaso mas mababa naman ang bilang nito dahil halos nasa 20% ng populasyon nito ay fully vaccinated kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *