delta variant nakapasok na sa Oriental Mindoro; 2 kaso naitala

Batangas -Nakapasok na sa lalawigan ng Orriental Mindoro ang pinangangambahang Covid19 delta variant matapos na makapagtala ng kaso sa Calapan City at sa bayan ng Bongabong  sa nasabing lalawigan.

Kinumpirma ito ni Orriental Mindoro Gov. Bonz  Dolor  kung saan ang dalawang kasong ito ay lalaki at babae na kapwa recovered na pero upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ay agad na nakipagpag-usap ang punong lalawigan sa mga alkalde ng mga tinukoy na lugar upang agad na magawa ang malawakan at dagdag na contact tracing sa una hanggang ikatlong level na mga nakasalamuha ng mga delta variant cases.

Ipinag-utos na din ni Gov Dolor na magpatupad ng granular lockdown sa mga natukoy na lugar hanggang hindi pa natatapos ang contact tracing, quarantine period at testing.

Nabatid sa impormasyon na ang dalawang kaso ng delta variant ay kapwa walang travel history sa labas ng lalawigan ngunit patuloy pa rin itong tintitiyak, maging ang impormasyon sa posibilidad na nauna na silang na-expose sa delta variant ay patuloy pa rin tinutuntun.  

Dahilan sa nauna ng impomrayson ay maari din umanong may nauna ng nakapasok na delta variant sa lalawigan bago pa man ipatupad ang karagdagang paghihigpit sa pagpasok sa Orriental Mindoro.

Bunsod nito ay Mahigpit ang paalala ni Gov Bonz  na iwasan ang anumang uri ng mga pagtitipon na maglalagay sa peligro sa sarili at sa kapwa.

Idiniin na din ni Gov Bonz ang kanyang kaustusanb sa PNP at ang lahat ng mga City, Municipal at Barangay Officials na ipatupad ang nilalaman ng Executive Order No. 33-A at ang iba pang naunang alituntunin na inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan at ng IATF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *