Demi Lovato, binatikos ang performance sa isang cardiovascular disease awareness event

Binatikos ng mga netizens ang performance ng American pop star na si Demi Lovato matapos niyang i-perform ang kanta niyang “Heart Attack” sa isang cardiovascular disease awareness event sa New York.

Ayon sa mga nagpuna sa social media, tila parang ang “insensitive” ng song choice niya para sa event.

Depensa naman ng isang representative ni Lovato, pinili niya itong i-perform dahil gusto niyang iparating ang “mind-heart connection” sa mga manunuod.

Nakapagsalita rin siya sa unang bahagi ng programa kung saan nagkaroon pa ng beautiful moment sa audience.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *