Demokrasya sa usapin ng pamamahayag, naipakita raw kay UN Special Rapporteur Khan

Naipakita ng Pilipinas kay UN Special Rapporteur Irene Khan na masigla ang demokrasya sa usapin ng pamamahayag at opinyon sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas program, inihayag ni Usec. Paul Gutierrez, ang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS na sa sampung araw na pamamalagi ni Khan sa bansa, naipakita ng bansa ang commitment, openness at transparency ng Marcos administration sa pagtugon sa isyu na may kinalaman sa kalayaan ng pagbibigay ng opinyon at expression, lalo na sa malawak na isyu ng human rights.

Ilan naman sa mga tinanong ni Khan ay kung papaano ang proseso kung may banta sa hanay ng media, at kung papaano ito tinutugunan ng pamahalaan.

Kabilang naman sa inilatag ng Ptfoms kay Khan ay ang pagkaka resolba sa naitalang apat na kaso ng pagpatay sa myembro ng media sa ilalim ng Marcos administration.

Samantala, nakatakda namang magkaroon ng close door meeting si UN Special Rapporteur Irene Khan kay Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong alas kwatro ng hapon.

Last minute request daw ito ng UN official.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *