Demolisyon sa Naga City, nagkatensyon

NAGA CITY-  Maagang demolisyon ang gumising sa mga residente sa Concepcion Pequeña Naga City sa likod ng National Irrigation Administration (NIA)- Bicol nitong Sabado.

Galit ang mga residente sa pangyayari dahil wala pa silang malilipatan at may mga natutulog pa, nag deni-demolish na ng tahanan.  Ayon kay “Rexan” wala namang ipinakita sa kanilang kaukulang dokumento, naabisuhan daw sila isang araw bago ang demolisyon pero hindi naman sinabing napakaaga. Mataas din ang emosyon ni Rexan nang sabihing kaya naman nilang gibain ng maayos ang bahay upang mapakinabangan pa sana ang mga materyales.

Ang lupa ay pag-aari ng Provincial Government ng Camarines Sur , Marso 2023 nang pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ground breaking ceremony para sa itatayong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.

Sa pagbisita ni Mayor Son Legacion nabatid na limang mga bahay ang nagiba.  Permementeng malilipatan ang hiling ng mga ito, nangako ang alkalde na aaksyon. Ang ilan sa mga kasamahan ni Rexan ay una nang nag apply ng lote sa lungsod. Hindi nag apply ang naturang residente dahil rehistradong botante pala ito ng Minalabac, Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *