Dennis Padilla, nakausap na si Julia Barretto

Ipinagdiwang ni Dennis Padilla ang kanyang ika-62 na kaarawan noong Pebrero 9, na inilarawan niyang pinakamasayang selebrasyon sa buong buhay niya.

Nakatanggap daw kasi si Dennis ng ng pagbati mula sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Naikuwento niya ang text message na natanggap niya mula sa kanyang estranged daughter sa dinner pagtapos maipasa sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill 2505 o ang Eddie Garcia Bill.

Personal naman itong nasaksihan ni Senator Robin Padilla, na kinuhanan ang video na nagpapakitang maligayang-maligaya si Dennis sa naging reconcillation message ng kanyang anak.

Nabatid na nagkaroon ng gap sa pagitan ni Dennis at Julia noong 2022 at mula noon, ilang beses nang nagpahiwatig si Dennis na nangungulila siya sa mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *