DENR ipinagmalaki sa UN na nananatiling proactive ang gobyerno ng Pilipinas sa pagresolba sa problema sa tubig

Inihayag ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na nananatiling proactive ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtugon sa global water crisis na dulot ng climate change.

Sa kanyang speech sa United Nations 2023 Water Conference in New York, binigyang-diin ni Loyzaga ang ilang mga hakbang ng pamahalaan, maging ng legislative branch, upang malampasan ang mga problema ng bansa, lalo na ang problema sa water supply.

Aniya, ipinag-utos ni Marcos ang pagtatayo ng Water Resource Management Office (WRMO) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources upang makamit ang water security.

Ibinahagi rin niya na ang naturang pasilidad ay ang kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa.

Sa huli, sinabi ng kalihim na ang lahat ng programa at plano ng gobyerno ng Pilipinas ay magbibigay ng universal access para sa ligtas, sapat, abot-kaya, at sustainable na water supply, sanitation, at hygiene na inaasahang makukumpleto sa 2030.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *