DENR – nagisa sa pagdinig ng Senado ukol sa isyu ng mga resort sa Chocolate Hills

Tinawag na ‘bantay salakay’ na may halong ‘turu-turuan style’ ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa naging pagdinig ngayong araw sa Senado.

Ito ay matapos ang ginawang pagtuturuan ng mga ito sa pagsagot ng kanilang mga katanungan tungkol sa mga detalye ng naging konstruksyon ng imprastruktura sa ilang protected areas ng bansa tulad ng Chocolate Hills at Mount Apo.

Kaugnay nito, binigyang-diinng chair ng komite na si Senadora Cynthia Villar na wala namang magiging problema kung ang itinayo rito ay mga pang-agrikultura at hindi tulad ng resorts.

Dagdag pa niya, dapat ding ginamit ng DENR ang kanilang ‘common sense’ sa pagpapatupad ng kanilang inilabas na RA 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018 (ENIPAS Act).

Samantala, ipinunto naman din ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na kailangang mapanagot sa batas ang sinumang mapatunayang nasa likod nito.

Maliban pa roon, idiniin din ni Legarda na dapat ay mas naging mahigpit sa pag-iissue ng Environmental Compliance Certificate (ECC) noon ang Environmental Management Bureau (EMB) region upang naiwasan sana ang mga naging paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *