DENR nagpahayag ng kahandaan na tumulong sa Operation Baklas na gagawin ng Comelec ngayong araw

CAMARINES NORTE – Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Environment and Natural Resources na tumulong sa gagawing Operation Baklas ng Commission on Elections ngayong araw, October 20 at sa October 27.

Ayon kay OIC PENRO Nestor Franz Fortuno mayroon silang technical team at sasakyan na pwedeng magamit para sa naturang aktibidad.

Aniya, sumulat sa kanila ang Comelec para hingin ang kanilang tulong bagay na positibo naman nitong tinugon.

Ngayong araw ay magsasagawa ng operation baklas ang Comelec sa mga campaign materials na nakapaskil sa mga hindi otorisadong lugar alinsunod na rin sa kautusan ng kanilang central office.

Para sa naman sa mga lalabag na kandidato, magpapadala ang poll body ng Notice to Remove at Show Cause Order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *