Business

Department of Agriculture, magtatakda ng suggested retail price sa asukal

Magtatakda na ng suggested retail price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) sa asukal.

Sa isang panayam, sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na inaasahang sa susunod na linggo ay ilalabas na ng ahensya ang itatakdang SRP sa asukal.

Ang pagtatakdang ito ng SRP ay kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng asukal sa mga pamilihan, partikular sa Metro Manila na umabot na sa 100 piso ang kada kilo.

Sinabi ni Evangelista na magpupulong sila kasama ang stakeholder’s para pag-usapan ang SRP at iba pang isyu sa naturang sektor.

Bagama’t layon ng DA na maibalik sa dati ang presyo ng asukal na nasa limampung piso kada kilo lamang, binigyang diin ni Evangelista na maraming dapat ikonsidera sa pagtatakda ng presyo.

Sa ngayon, maaari raw ipako sa siyamnapung piso kada kilo ang presyo ng asukal.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago