DepEd at PNP, dapat may comprehensive plan sa seguridad –Naga City Councilor

NAGA CITY –Presensiya at aktibong mga pulis ang dapat nasa paligid ng mga paaralan para matiyak ang seguridad ng mga estudyante at maging ng mga guro ngayong nagsimula na ang pasukan sa ilang pribadong mga paaralan sa Naga City.

Dapat ang mga pulis na i-assign sa mga paaralan ay mga hindi nagte-text sa oras ng trabaho,  rerespondi kaagad at iyong pulis na walang anumang alibi, tulad ng walang gasolina at iba pang dahilan.

Ito iyong ilan lamang sa mungkahi ni City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Education Committee sa konseho, para matiyak na ligtas ang mga estudyante sa anumang krimen.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Del Rosario,  sinabi nitong dapat magkaroong ng pag-uusap ang mga pulis at mga school heads at dapat magbuo ng isang  komprehensibong hakbang laban sa kriminalidad.

Nakakalungkot aniya ang nangyari sa 17 taong gulang na si Roselle Bandojo na naging biktima ng karumaldumal na krimen, sayang na buhay, sayang na mga pangarap ayon sa konsehal.

Sa panig nila sa konseho, mas palalakasin pa nila ang ordinansang nagbibigay ng proteksyon sa mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *