Deped Bataan umaasang may madadagdag na paaralan na babalik sa in-person classes sa susunod na linggo

Inaasahan ng Department of Education Bataan na madadagdagan pa sa susunod na linggo ang bilang ng mga paaralang babalik sa face-to-face classes.

Ito ay kasunod ng pagbabalik eskwela ng pitong paaralan sa ilalim ng dibisyon nakaraang Lunes.

Ayon kay Deped Bataan ASDS Roland Fronda, animnapung eskwelahan ang inaprobahan para sa in-person classes pero pito lamang ang nakapagsimula nakaraang February 21.

Ito ay dahil may mga active cases pa ng corona virus disease sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga paaralang kabilang sana sa face-to-face classes.

Sa susunod na linggo ay inaasahan ng kagawaran na makakapagdagdag ng sampo o higit pang eskwelahan na magbubukas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of fruit and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *