DepEd Bicol, hinikayat ang mga Campus Journalist na labanan ang “Fake News”

BNFM BICOL – HINIKAYAT ng Department of Education o Deped-Bicol ang mga delegado ng nagpapatuloy na Regional Schools Press Conference o RSPC 2024 na huwag lamang basta magsulat ng balita bagkus gawing itong daan para aktibong labanan ang nagkalat na ‘fake news’, partikular sa social media.

Dapat umanong maging maingat ang isang campus journalist sa kanyang nakikita o nababasa sa social media upang hindi maging biktima ng misinformation o fake news.

Pinakamabisang paraan umano ang hindi basta-basta pagtitiwala sa mga nababasa sa internet na walang credible source at hindi dumaan sa fact-checking at verification.

Mababatid na nasa mahigit 3,000 na mga campus journalists at mga school paper advisers ang kalahok sa RSPC ngayong taon na may temang “Strengthened Campus Journalism: Gateway to the Development of Empowered Youth.”

Magtatagisan ang mga ito sa ibat ibang larangan gaya ng news writing, feature story writing, editorial cartooning, photojournalism, radio and TV broadcasting, at iba pa.

Isinagawa ang RSPC 2024 sa lungsod ng Iriga sa Camarines Sur na magtatagal hanggang bukas, Mayo 11. ###

Photo courtesy: DepEd Tayo, Iriga City Division

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *