DepEd Bicol, kaisa-isang nagsagawa ng interbensyon ng 8-week learning recovery curriculum

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DepEd) Bicol na tanging ang rehiyon lamang ang nagpatupad ng interbensyon ng 8-week Learning Recovery Curriculum (LRC) sa buong bansa para sa grade 1 hanggang grade 3 learners na nakaranas ng learning loss.

Aniya, ang 8-week LRC ay isa sa mga highlights ng learning recovery plan ng Bicol at nagsimula lamang ito sa pagbubukas ng klase nitong lamang Agosto 2022.

Dagdag pa nito, nagsagawa rin ang ahensya ng Comprehensive Rapid Literacy Assestment upang alamin kung ano ang reading profile ng mga mag-aaral mula sa nabanggit na mga baitang sa pamamagitan ng limang minutong reading assesment.

Base sa tala ng kagawaran, nasa kabuuhang bilang na 405, 161 na ang learners na-assess.

Ayon pa rito, sa 41% mula sa grade 1 to grade 3 ang hindi pa natutunan ang dapat matutunan sa kanilang previous grade level, habang 31% ang handa para matutunan ang skill sa present grade level.

Dahil dito, nagkaroon muli ng interbensyon ang mga guro ng panibagong assestment kung saan 12% ang nakamit ng Grade 1 learners para sa  mother tongue o nakakapagbasa at nakakaunawa, at sa Grade 2 ay nasa 16%, habang ang Grade 3 ay may  24% met expectations na marunong magbasa na may pag-unawa sa Filipino at English. Sinabi ng opsiyal, kung titingnan umano ay mababa ang porsyento sa nasabing grade level na marunong magbasa at nakakapag-unawa ng kanilang binabasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *