DepEd Bicol, kikilalanin ang mga basic education partners sa Regional Stakeholders Appreciation awards

Sa layuning kilalanin at parangalan ang mga natatanging kontribusyon ng iba’t ibang education partners na aktibong sumusuporta sa mga paaralan sa mga pangunahing programa ng DepEd Bicol, nakatakdang magsagawa ng Regional Stakeholders Appreciation: Sharing of Best Partnership Initiatives and Awarding Ceremonies.

Ang aktibidad na nakatakdang ganapin sa Hunyo 7, 2023, sa Sorsogon City Convention Center ay inisyatiba ng DepEd Bicol sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office ng Sorsogon Province.

Ang mga awardees ay ang mga aktibong katuwang sa edukasyon ng DepEd Bicol gaya ng Local Government Units, private sector stakeholders, non-government organizations, at iba pang partners na patuloy na nagpapakita ng natatanging dedikasyon at suporta sa mga programa, proyekto, at inisyatiba ng DepEd Bicol.

Ang nasabing okasyon ay inaasahang dadaluhan ni DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad, Assistant Director Bebiano Sentillas at iba pang mga opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *