DepEd-Bicol nangangailangan pa ng volunteers para sa “Brigada Pagbasa” program

NAGA CITY- Ikinagagalak ngayon ng Department of Education Bicol ang positibong tugon ng publiko sa panawagan nila para sa volunteers sa kanilang Brigada Pagbasa Program.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Maria Cristina Baroso, namamahala sa programa, ang Brigada Pagbasa ay isang initiatibo ng Brigada Eskwela na target na matulungan ang mga batang papasok ng Kindergarten hanggang Grade 6 sa kanilang skills sa pagbabasa at comprehension o pag-unawa.

Ayon kay Baroso, ang programa ay magiging community base, kung saan ang  mga volunteers ay i-aasign sa kani kanilang mga komunidad bilang volunteer reader at tutor ng mga bata.

Sinimulan ang registration noon June 1 kung saan sa halos tatlong araw pa lamang ay umabot na sa 430 ang nakapagsumite ng kanilang aplikasyon sa ahensya.

Inaasahan  nito na madadagdagan pa ang nasabing bilang bago ang nakatakdang deadline sa June 15 dahil kailangan pa ng mga mag-aaral.

Maliban sa mga volunteer teachers at tutors sa mga komunidad, hinihikayat ni Baroso ang publiko na makibahagi sa programa sa pamamagitan ng donasyong libro, hygene kits at iba pa na magagamit ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *