DepEd Camarines Norte pinaalalahanan ang mga estudyante na gawing makabuluhan ang isang linggong bakasyon

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of Education ang mga estudyante na gawing makabuluhan ang isang linggong bakasyon.

Simula ngayong araw, Pebrero 6 hanggang 10 ay midyear break sa mga pampublikong eskwelahan alinsunod sa DepEd Order No. 34 series of 2022 o ang School Calendar and Activities para sa School Year 2022-2023.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo kinakailangang habang nasa bahay ay magkaroon daw sana ng magandang relasyon ang mga estudyante sa kanilang mga magulang at maging kapaki-pakinabang ang buong linggong ito.

Gawing pagkakataon rin daw sana ang isang linggong bakasyon para makatulong sa magulang at mga gawaing bahay habang wala sa eskwelahan.

Pinaalalahanan din ni Guemo ang mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 3 na huwag kalimutan ang pagbabasa.

Problema daw kasi ng mga estudyante lalo na sa naturang Grade level ang pagbabasa.

Gagawin naman ang Midyear Performance Review and Evaluation (MPRE) and In-Service Training (INSET) habang naka five-day midyear break para ngayong school year.

Sa MPRE magkakaroon ng evaluation sa progress ng eskwelahan sa implementasyon ng educational programs, projects, and activities gayundin ang pag –review sa performance ng guro at school staff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *