Deped Camarines Sur handa na sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2023

CAMARINES SUR- Handa na ang Department of Education Camarines Sur Division sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2023 sa darating na Lunes Agosto 14, 2023.

May kanya-kanyang diskarte ang mga paaralan sa pagbubukas nito.

Sa panayam kay Salvador Pelingon , Spokesperson ng DepEd sa lalawigan  sinabing ang dapat na makita rito ang pagbabayanihan ng mga stakeholders. Wala aniyang bilang ang oras ng paglilinis o pagkukumpuni ng mga gamit sa paaralan.

Bawal din ang solicitation o pag kolekta ng anumang halaga ng pera bilang kontribusyon ng mga magulang , guardians, volunteers at partners. Nakasaad ito sa DepEd Order No. 021 s. of 2023 na pirmado ni DepEd Secretary Vice President Sara Duterte.

Saad pa ni Pelingon, wala nang contest na best implementer ng nasabing programa , pinatitiyak lamang na handa na ang gamit at pasilidad o mismong ang school grounds sa darating na academic year 2023-2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *