Hinihikayat ng Department of Education ang mga kawani nito na magpabakuna laban sa covid-19.
Ito ay para na rin sa kalusugan ng mga kawani, pamilya, mag-aaral at mga magulang.
Sa kabila nito nilinaw ng Deped na desisyon pa rin ng mga empleyado kung gusto ng mga ito na magpabakuna o hindi.
Ang panghihikayat ay kasunod ng inilabas na memorandum no. 372 o ang Guidance on Covid-19 Vaccination for DepEd Teaching and Non-Teaching Personnel.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga kawani na nais magpabakuna na makipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan para makapagrehistro sa free vaccination.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Deped Philippines
