DepEd, inaprubahan ang pagsuspende ng F2F kapag sobrang init ng panahon

Aprubado na ng Department of Education ang mga eskuwelahan na suspendihin ang face-to-face classes kung sabrang init ng panahon.

Ayon kay DepEd Asec. Francis Bringas pwedeng gawing batayan ng mga paaralan ang heat index chart ng PAG-ASA na tumutukoy sa init na nararamdaman ng tao.

Sa nakalipas na limang araw, kabilang sa naitalang heat index ang 42 degree Celsius sa Central Bicol State University Pili Camarines Sur at 43 degree Celsius sa Cotabato City, Maguindanao noong March 7 at 8.

Ang ganitong init ay maaari ng magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kapag nagpatuloy sa exposure.

Siniguro naman ng DepEd na walang patid ang pagkatuto ng mga estudyante dahil sa online at modular learning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *