National

DepEd, inilabas na ang school calendar para sa bagong academic year

Inilabas na ng Department of Education ang school calendar para sa academic year 2021 hanggang 2022, na naglalaman ng impormasyon kaugnay sa enrollment at vacation days, at iba pang aktibidad.

Kaugnay nito, ang opisyal na pagbubukas ng pasukan ay sa Sept. 13 at magtatapos sa June 24, 2022.

Pero ang mga private schools at state o local universities, at iba pang colleges na nag-aalok ng basic education ay maaring magbukas ng klase na mas maaga mula sa opisyal na opening date ng school year.

Ayon sa Deped, kailangang may kabuoang 209 school days, kabilang na ang Sabado at five-day midyear break.

Sa gitna nito, hindi parin pinapayagan ang face-to-face classes, ito man ay full scale o hindi, maliban na lamang kung aaprubahan na ng pangulo.

Samantala, ang enrollment period ay magsisimula sa Aug. 16 hanggang Sept. 13, at maglalabas ang DepEd ng hiwalay na guidelines para dito, habang ang Christmas break ay magsisimula sa Dec. 20, 2021, at magtatapos sa Jan. 2, 2022. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 hour ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 hour ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 hour ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 hour ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 hour ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago