Weather News

Habagat, magdadala ng kalat-kalat na ulan, thunderstorms sa 5 areas sa Luzon

Asahang magdadala ang southwest monsoon o habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Zambales, Benguet, Batanes, at sa Babuyan Islands.

Kaugnay nito, nagbabala ang weather agency laban sa posibleng flash floods o landslides sa oras na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral naman sa National Capital Region at ibang bahagi ng bansa, dahil sa monsoon at localized thunderstorms.

Sinabi naman ng PAGASA, na sa kasalukuyan, may dalawang active tropical cyclones sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Kabilang na dito ang tropical storm Marinae, dating Gorio, na huling namataan sa 1,390 km northeast ng Extreme Northern Luzon, dala ang lakas na hangin na 75 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Samantala, ang tropical storm Lupit naman ay huling namataan sa 525 km north-northwest ng Itbayat, Batanes, dala ang lakas na hangin na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 100 kph. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

Japan at Sweden, makikiisa sa ikakasang civilian mission sa WPS

Lalahok ang ilang mga indibidwal at mga tauhan ng embahada ng Japan at Sweden sa…

10 mins ago

58th Olongapo Cityhood Celebration, isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng iba’t – ibang aktibidad ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo. Ito ay para sa…

15 mins ago

PCG, target na bakuran ang Catanduanes

Target ng Philippine Coast Guard na magtayo ng base sa Catanduanes upang makatulong na palakasin…

24 mins ago

Lalaki – nang-holdap ng P55 sa bangko

Hinoldap ng isang lalaki ang isang bangko sa 300 South Main Street sa Salt Lake…

33 mins ago

Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagkabalikan na?

Patuloy na umaasa ang mga supporters ng ex-couple na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.…

40 mins ago

Mga nagbuntis ngayong mainit ang panahon, dumami; sexual desire mas tumataas kapag sobrang init – NCPNO

NAGA CITY - Nakapagtala ng 754 na mga nagbuntis simula Enero hanggang Abril ngayong taon,…

1 hour ago