DepEd itinutulak pa rin ang pagtaas ng sweldo ng mga guro

CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Department of Education na hindi ito nagpapabaya lalo na kung ang pag- uusapan ay para sa kapakanan ng mga guro.

Ayon kay Usec Epimaco Densing III, lagi  umano silang nag- iikot at bumababa at hindi nagpapabaya sa kanilang trabaho sa pamumuno ni Vice President at Secretary Sara Duterte.

Nilalalabanan rin daw nila ang corruption sa loob ng departamento.

Tungkol naman sa pagtaas sa sweldo ng mga guro, ito rin naman daw ang nais ng DepEd.

Gayunman nakadepende pa rin aniya ito sa Department of Budget and Management. Kung hindi naman daw maitaas ay gumagawa na naman umano ng paraan ang departamento para mabigyan ang mga guro kahit non- compensation based.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *