DEPED Legazpi, napiling maging host ng isasagawang RSPC ngayong taon

LEGAZPI CITY โ€“ Kinumpirma ng kaparehong ahensya na ang Schoolโ€™s Division Office ng Legazpi City ang kanilang napiling maging host sa isasagawang Regional Schools Press Conference (RSPC) ngayong taon.

Ayon kay DEPED Bicol Regional Director, Gilbert Sadsad, tema ng RSPC ngayong taon ang “From Campus Journalism to Real-World Journalism: Shaping Minds from Schools to Societies” na magsisimula sa Hunyo 9 hanggang Hunyo 11 ngayong taon.

Ang RSPC ay isang kompetisyon para sa mga mag-aaral na may galing sa mga kategoryang News Writing, Sports Writing, Editorial Writing, Copy reading and Headline Writing, Photojournalism, Science and Technology Writing, Column Writing for Individual Contest Category, at Editorial Cartooning.

Kabilang din sa nasabing kompetisyon ay ang Radio Script Writing and Broadcasting, Collaborative Desktop Publishing, Online Publishing Contest para sa secondary level, at TV Script Writing and Broadcasting para rin sa secondary level; at ang kategoryang ito ay binubuo ng grupo ng mga mag-aaral.

Ito ay may adhikaing palaguin pa ang pag-unawa sa kahalagahan ng journalism o pamamahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mga talento at kasanayan sa iba’t ibang larang o kategorya sa campus journalism.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *