DepEd-Masbate, isinulong pa rin ang School-Based Feeding Program sa gitna ng pandemya

SORSOGON CITY – Sa layuning tiyakin ang pagpapabuti sa nutritional status at pagbabawas ng micronutrient deficiency para mapahusay ang partisipasyon at learning outcome ng mag-aaral, ang DepEd-Masbate katuwang ang Phil. Carabao Center at Ubay Bohol ay naglunsad ng School-Based Feeding program (SBFP) sa Potenciano Abejero Elementary School at Emilio Boro Elementary School sa bayan ng Cataingan, Masbate.

Ang pagsusumikap na ito ay suportado ng mithiin ng Kagawaran na maghatid ng kalusugan at nutrisyon sa mga mag-aaral kahit sa gitna ng pandemya.

May kabuuang 2,454 learner-beneficiaries na nasa ilalim ng kategoryang ‘under wasted at severely wasted’ ang nabenipisyuhan sa nasabing programa.

Ang SBFP ay nakaangkla sa RA 11037, kung saan ang pagbibigay ng fresh milk o fresh milk-based products ay isang karagdagang bahagi ng nasabing programa.

Ang patuloy na programang ito ay naglalayong tugunan ang pagkagutom at mag-ambag sa nutritional status para sa inaasahang mapagbuti pa ang cognitive function at academic performance ng mga mag-aaral.

PHOTO: DepEd-Masbate

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *