DepED: may halos 170K na backlog pa sa mga silid-aralan sa buong bansa

Magbubukas na ang Early Registration period ng Department of Education (DepED) para sa School Year 2024-2025 sa darating na Enero 27, at magtatagal hanggang Peb. 23, 2024.

Ngunit sa kabila nito, inamin ni DepED Undersecretary Epimaco Densing III na may may kakulangan o backlog sa mga silid-aralan na umaabot sa 168,000 sa buong bansa.

Ayon kay Usec. Densing na siyang officer-in-charge para sa Schools Programs Management Office at Educational Facilities Division ng nasabing ahensya mawawalan ng saysay ang mga reporma sa edukasyon kung hindi matutugunan ang pangangailangan sa mga classroom.

Bagaman tiwala umano ang opisyal ng DepED na malulutas rin ito pero kanya aniyang iminumungkahe ang pagtanggap ng tulong pinansyal mula sa mga pribadong organisasyon at mga dayuhang pamahalaan lalo’t hindi pa kaya ng pamahalaan na tugunan ang lagat ng pangangailangan ng departamento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *