DepEd – muling nagpaalalang bawal ang mga outdoor activities dahil sa matinding init

Muling inabisuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan hinggil sa mga aktibidad gaya ng graduation na isasagawa sa gitna ng matinding init ng panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay DepEd Asec. Francis Bringas, sinabi nitong dapat iwasan ang mga oras na tirik na tirik ang sikat ng araw.

Muli ring nilinaw ni Bringas na gawing simple lang ang selebrasyon ng graduation at moving-up ceremonies.

Maging aniya ang pagsusuot ng toga ay optional na lamang.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa rin umano ng ahensya kung bababa sa mga susunod na araw ang bilang ng mga paaralang magpapatupad ng alternative delivery modes sa harap ng bahagyang paghupa ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *