DepEd – nag-commit na sa pagbabalik ng dating school calendar

Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa pagbabalik ng lumang school calendar.

Ayon kay DepEd Asec. Francis Bringas, sinabi na nila sa proposal ng ahensya na ibalik sa Hunyo ang pagsisimula ng klase – na susunod ang ahensya sa kung ano mang kagustuhan ng adminstrasyon.

Matatandaang ito rin ang naging pahayag ng DepEd noong Abril sa senate hearing.

Naniniwala ang pangulo na panahon na para ibalik sa dating school calendar lalo pa’t libo-libong paaralan na ang nagkansela ng face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *