DepEd Naga, inirekomenda ang pag facemask sa mga paaralan kaugnay ng usong ubo’t-sipon

NAGA CITY- Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) Naga City Division sa mga paaralan na mag facemask ang mga estudyante’t mga guro ngayong uso ang ubo’t sipon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Schools Division Superintendent Dr. Susan Collano ,  sinabi nitong wala namang pormal na kautusan ang Naga City Health Office  sa pag mamask pero mainam na aniya ito upang maiwasan ang paghawa-hawa.  Ang mga guro aniya ay may direktang contact sa mga bata kaya mainam kung mag-iingat. Nagkaroon na aniya ng message relay sa mga pampublikong paaralan.

Dagdag nito, hindi pa naman inaalis ang mga hygiene kits pero kahit na hindi na ito tulad ng dati ka-visible.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *