DepEd Naga, nais na magkaroon ng assessment sa kanilang mga estudyante sa isyu ng mental health

NAGA CITY- May binuo ng core group ang opisina ni Naga City Dep-Ed Supt. Susan Collano na siyang mag evaluate o mag-assess sa mental health ng mga estudyante sa lungsod alinsunod na rin sa pag-agapay ng opisina ni City Councilor Gilda Gayle Abonal-  Gomez,na siya namang chairman sa konseho ng Women and Gender Development.

Ayon sa konsehal,ito mismo ang kahilingan nina Collano sa kanyang komitiba kaya     nagkakaroon na sila ng ilang pag meeting para sa mga prosesong gagawin ng sa gayun ay maging sistematiko at katangap-tanggap sa  mga bata.

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Konsehal Gomez,sinabi niyang may mga paaralan sa lungsod na walang designated na guidance counselor kaya hirap ang mga guro na i-resolba ang anumang problema ng mga bata.

Sa pamamagitan ng core groups na binuo ng ahensiya,naniniwala ang konsehal makakatulong ito sa gagawin nilang mental assessment sa mga estudyante.          

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *