DepEd, nahaharap sa bagong isyu ng ‘overpriced cameras’

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na iimbestigahan nito ang panibagong kontrobersyang kinahaharap ng Kagawaran.

Hindi pa man kasi tapos ang isyu sa overpriced at outdated na laptops – viral naman ngayon sa social media ang sobrang mahal na mga units ng DSLR sa mga paaralan.

Sa isa kasing Facebook post, makikitang ang isang Canon DSLR na may acquisition cost na P155,929.

Ayon sa nag-post nito na si Jhun Dantes, ang entry-level na camera na ito, partikular na ang Canon 1500D na model ay nagkakahalaga lamang ng P20,000 hanggang P30,000 kasama na ang kit lens.

Depensa ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa – nang tanungin nila ang Public Affairs Service hinggil sa mga cameras na binili at ginagamit sa mga paaralan, napag-alamang Mark IV ang mga units na inisyu nila.

Ibig-sabihin, kapag Mark IV na ang model ng camera, hindi ito entry-level na taliwas sa nag-viral na retrato online.

Sa kabila niyan, tiniyak ni Poa na iimbestigahan pa rin nila ang insidente at mapananagot kung mayroong nasa likod ng maanomalyang procurement ng overpriced DSLR camera.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *