CAMARINES NORTE – Nanawagan ng kooperasyon ang Department of Education sa mga magulang kasunod ng mga ipinatupad na suspensyon ng face-to face classes ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Camarines Norte dahil sa mataas na heat index.
Sa pahayag sa Brigada News FM Daet ni Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad, binigyang diin nito ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga magulang para suportahan ang mga mag- aaral.
Mababatid na nitong Huwebes, April 25 ay nagsuspinde ng face-to-face classes ang mga Lokal na Pamahalaang Bayan ng Talisay, San Vicente, Basud at Paracale makaraang pumalo sa mahigit 41 degrees Celsius ang heat index.
Suspendido rin ang face-to- face classes sa bayan ng Mercedes simula ngayong araw April 26 hanggang Lunes, April 29.
Ito ang unang pagkakataon na may mga LGU sa Camarines Norte na nagsuspinde ng face-to- face classes dahil sa matinding init ng panahon.
Kinikilala umano ng DepEd ang kapangyarihan ng mga Local Chief Executive na magsuspinde ng klase alinsunod sa Local Government Code.
Sa panig naman umano ng DepEd ay ipapatupad nito ang Alternative Delivery Mode upang maipagpatuloy pa rin ang pag- aaral ng mga bata sa ganitong mga pagkakataon.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…