DepEd nanawagan ng kooperasyon sa mga magulang kasunod ng mga ipinatupad na suspensiyon ng face-to- face classes ng mga LGU dahil sa mataas na heat index

CAMARINES NORTE – Nanawagan ng kooperasyon ang Department of Education sa mga magulang kasunod ng mga ipinatupad na suspensyon ng face-to face classes ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Camarines Norte dahil sa mataas na heat index.

Sa pahayag sa Brigada News FM Daet ni Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad, binigyang diin nito ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga magulang para suportahan ang mga mag- aaral.

Mababatid na nitong Huwebes, April 25 ay nagsuspinde ng face-to-face classes ang mga Lokal na Pamahalaang Bayan ng Talisay, San Vicente, Basud at Paracale makaraang pumalo sa mahigit 41 degrees Celsius ang heat index.

Suspendido rin ang face-to- face classes sa bayan ng Mercedes simula ngayong araw April 26 hanggang Lunes, April 29.

Ito ang unang pagkakataon na may mga LGU sa Camarines Norte na nagsuspinde ng face-to- face classes dahil sa matinding init ng panahon.

Kinikilala umano ng DepEd ang kapangyarihan ng mga Local Chief Executive na magsuspinde ng klase alinsunod sa Local Government Code.

Sa panig naman umano ng DepEd ay ipapatupad nito ang Alternative Delivery Mode upang maipagpatuloy pa rin ang pag- aaral ng mga bata sa ganitong mga pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *