DepEd, natuwa sa desisyon ng COMELEC sa hindi pagsampa ng kaso sa mga guro na umatras sa BSKE

Wi-nelcome ng Department of Education (DepEd) ang pahayag ng Commission on Elections na hindi magsampa ng kaso laban sa mga gurong umatras na magsilbi sa katatapos lamang na Barangay at SK Elections.

Sa isang pahayag, nagpasalamat sa poll body si Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa poll body sa pagkilala sa mga guro sa harap ng iba’t-ibang bantang kinaharap ng mga ito sa nakaraang eleksyon.

Suportado rin ng kagawaran ang COMELEC sa kanilang desisyon na magsampa ng kaso laban sa mga nanakot, nang-harass, at nagbanta sa mga guro at iginiit na dapat mapanagot ang mga salarin sa likod nito.

Para naman sa mga gurong nagsilbi sa halalan, nagpasalamat si duterte sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa matagumpay na pagdaraos ng BSKE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *