Deped, patuloy pa ring tatanggap ng mga early registrants kahit nagtapos na ang pre-registration period

BICOL – MAAARI pa ring magpatala ang mga incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners ngayong darating na school year sa pamamagitan ng remote o in-person registration.

Ayon sa kagawaran, bagama’t nagsara na nitong Abril 30, 2021 ang early registration period,  patuloy na tatanggap ang mga pampublikong paaralan ng early registrants hanggang sa katapusan ng Mayo.

Sa facebook post na ibinagi ng Deped-Bicol, upang makapagpatala, ay kailangan lamang i-download at sagutan ang Modified Basic Education Enrollment Form. Laman nito ang mga impormasyon tulad ng learning modality na nais ng mag aaral.

Ang nasabing form ay required lamang sa mga public school at optional naman sa private.

Samantala, mayroong tatlong opsyon ang mga magpapatala. una ay sa pamamagitan ng online o text kung saan maaaring mag-email, mag-chat, mag-text, o tumawag sa paaralan upang ibigay ang mga hinihinging impormasyon.

Maaari namang ipasa ang accomplished enrollment form sa mga Early Registration Desk sa mga paaralan, subalit tanging mga magulang at guardian lamang ang pahihintulutang gumawa nito.

Habang pwede ring kumuha at magpasa ng form sa mga dropboxes na makikita  sa mga barangay hall.

Dahil umano nasa ilalim ng pa rin ng modified general community quarantine o MGCQ ang buong Bicol ay pinapayagan ang in-person o face-to-face na pagpapatala sa rehiyon pero mahigpit na susundin dito ang mga health and safety protocols laban sa covid-19.

Mananatili namang remote ang pagpapatala sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, MECQ, at ECQ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *