DepEd personnel bawal mangolekta ng kontribusyon na may kinalaman sa graduation at moving up

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of Education na bawal mangolekta ang mga empleado nito ng mga bayarin patungkol sa pagsasagawa ng end-of- school year rites tulad ng graduation at moving up ceremonies.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad na mahigpit na pinagbabawalan ang mga teaching at non- teaching personnel na magkolekta ng bayarin o anumang kontribusyon.

Binigyang diin ni Ahmad ang umiiral na kautusan ng DepEd na dapat gawing simple ngunit makabuluhan ang pagdaraos ng end-of-school-year rites at hindi ito dapat “extravagant at excessive.”

Importante umanong maipaliwanag ng mga guro ang bagay na ito sa mga magulang  dahil ang expenses sa pagsasagawa ng graduation at moving- up ceremony ay naka- charge sa Maintenance and other operating expenses ng eskwelahan.

Dagdag pa ni Ahmad na hindi dapat gawing requirements sa graduation ang pagdalo sa Junior- Senior promenade, field trip at mga kaparehong aktibidad.

Ipinapayo rin ang pagsasagawa ng mga seremonya sa indoor venues na may maayos na bentilasyon para maiwasan ang exposure sa matinding init ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *