DepEd pinaalalahanan ang mga eskwelahan na iwasan nang mag solicit para sa mga gagawing closing at graduation ceremonies

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Department of Education ang mga School Head at guro ng iba’t- ibang eskwelahan na iwasan na ang pag- solicit para sa medal o anumang mga gastusin patungkol sa pagtatapos ng mga estudyante.

Sa lingguhang programang DepEd Hour, binigyang diin ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo na lahat ng gastusin, mapa medalya man ribbon o certificate ay hindi na dapat ipanghingi kung kani- kanino dahil mayroon naman umano itong allocation sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng eskwelahan.

Nakalagay na aniya sa mga items na gagastusan ng MOOE ang closing activities ng bawat paaralan.

Ayon kay Guemo kahit noong mayroon pang face-to- face classes ay nagpaalala na ang DepEd na ihinto na ang mga solicitation.

Nilinaw din nito na pinapayagan na ang pagsasagawa ng face-to-face closing o graduation activities basta masiguro lang na masusunod ang health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Ang mga pinapayagan lang din dumalo ay ang magulang at ang bata mismo.

Aniya dapat iwasan ang maraming bisita lalo na’t hindi pa naaabot ng Camarines Norte ang herd immunity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *