DepEd pinatitiyak sa mga eskwelahan na walang batang nasa school age ang hindi pumapasok sa eskwela

CAMARINES NORTE – Pinatitiyak ng Department of Education (DepEd) sa pamunuan ng mga eskwelahan na walang batang nasa school age ang hindi pumapasok sa eskwela.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad na kinakailangang makipagtulungan ang mga school head at guro sa barangay para hanapin ang mga batang nasa school age at tulungan ang mga itong pumasok o makabalik sa eskwela.

Sa datos ng departamento hanggang nitong Lunes, Pebrero 5, aabot sa 10, 871 learners sa Camarines Norte ang nakapagpalista na sa nagpapatuloy na early registration para sa School Year 2024- 2025.

Sa bilang na ito 2, 618 ang nagparehistro sa Kinder, 4, 977 sa Grade 1, 1, 673 sa Grade 7 at 1, 603 sa Grade 11.

Nagpasalamat naman ang DepED sa mga Local Government Unit na katuwang umano ng una para masigurong walang batang mapag iiwanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *