Deped Region 3 Director binisita ang mga paaralan sa Zambales

Binisita ng Deped Region 3 ang ilang mga paaralan sa lalawigan ng Zambales na nagsasagawa ng progressive face-to-face classes.

Pinangunahan ni Regional Dir. May Eclar ang pag-iikot sa mga paaralan para personal na makita ang kasalukuyang sitwasyon.

Kabilang sa mga napuntahan na ng opisyal ang eskwelahan sa San Marcelino at sa bayan ng Sta. Cruz.

Ayon sa Deped, layon ng pag-iikot ng regional office na mabigyan ng pansin ang lahat sa pagbabalik paaralan kahit na may pandemya kasabay ng maayos na serbisyo.

Matatandaan na ang SDO Zambales ang unang provincial division na nakapagbukas ng isandaang porsyento ng mga paaralan para sa limited in-person classes sa Central Luzon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Deped Tayo Zambales

May be an image of food and text that says 'MAXAN Xanthone Mangoste can't contro everything in my life, but I can control what I put in my body. Shonow! Shop Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *