DepEd-Sorsogon inaming walang pondo para sa overtime pay ng mga guro na naglaan ng ekstrang oras sa paghanda ng mga modules

SORSOGON CITY – Aminado ang Department of Education (DepEd) Sorsogon Provincial Divisions Office na sa ngayon ay walang pondo ang ahensya para ipambayad sa overtime pay ng mga guro na tumulong at naglaan ng oras para sa paghahanda ng mga modules.

Sa ginanap na Press Conference nitong nakatalikod na Lunes, sinabi ni Schools Division Superintendent Jose Toots Doncillo, na sa halip na overtime pay ang ibigay gumawa sila ng paraan upang maging maayos pa rin ang sistema na dapat makuha ng mga guro kabilang na ang tinatawag na Service Credit na ginagamit ngayon ng mga ito.

Aniya, wala silang magagawa kung walang pondong ibababa ang Central Office kung kaya’t kahit sa pagbibigay ng service credit ay maunawaan ito ng mga guro gayong ito lamang ang pinaka alternatibong paraan upang hindi mauwi sa wala ang sakripisyo ng mga gurong nasa likod ng paghahanda ng mga modules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *